ISANG BUOD NG EFVX BILANG ISANG FOREX BROKER NA KOMPANYA
PAGPAPAKILALA
Ayon sa aming kamakailang pagsasaliksik, ang EVFX ay isang British forex broker company na nakabase sa London.
Ang mga Forex broker ay mga kompanyang nagbibigay sa mga trader ng access sa plataporma na nagpapahintulot sa kanila na bumili at magbenta ng mga foreign currency.
Ang mga Forex broker ay kilala rin bilang mga retail forex broker o mga currency trading broker. Ang mga retail currency na trader ay ginagamit ang mga broker na ito upang magkaroon ng access sa 24-oras na currency market para sa mga hangaring espekulasyon.
Ang mga serbisyo ng forex broker ay ibinibigay rin para sa mga institusyonal na kliyente sa pamamagitan ng malalaking kompanya tulad ng mga bangkong pampuhunan.
🏆 10 Pinakamahusay na Na-rate na Forex Broker
Tagapamagitan
Antas
Mga Tagapag-regula
Mga Plataporma
Pinakama-babang Deposito
Pinaka-mataas na Leverage
Kripto
Opisyal na Website
🥈
4.7/5
ASIC, FSA, CBI, BVI, FSCA, FRSA, CySEC, ISA, JFSA
MT4, MT5, Avatrade Social
USD 100
400:1
Oo
5
4.9/5
CySEC, FSCA, FCA, FSA, DFSA, CMA, St. Vincent & the Grenadine
MT4, MT5, HFM App, HFM Copy Trading
USD 0
2000:1
Oo
7
4.9/5
ASIC, BaFin, CMA, CySEC, DFSA, FCA, SCB
MT4, MT5, cTrader, Tradingview, Pepperstone Platform
USD 10
400:1
Oo
🏆 10 Pinakamahusay na Na-rate na Forex Broker
Tagapa-magitan
Pinakama-babang Deposito
Pinaka-mataas na Leverage
Opisyal na Website
KASAYSAYAN AT PUNONG-TANGGAPAN NG EVFX
Ang EVFX ay isang kompanya ng brokerage na itinatag noong 2011, na nagbibigay ng pag-access hindi lamang sa Foreign Exchange Spot ngunit nagbibigay din ng mga Forwards at Options markets sa pamamagitan ng paggamit ng electronik at voice technology.
Nag-aalok ang EVFX ng pag-access sa mga merkado ng FX at iba’t ibang halaga ng pangunahing mga elektronikong lugar sa pagbibigay ng mga solusyon. Nag-aalok din ito ng direktang pag-access sa pinakamahusay na market liquidity na patuloy na hindi mapapantayan ng iba pang mga broker na katulad nito.
Matagumpay na naitaguyod ng EVFX ang mga desks ng boses ng ahensya at nag-aalok ng malawak na pagpipilian ng mga plataporma ng spot at option. Ang mga merkado sa trading na pinagkakalooban nito ay may kasamang spot FX, Precious Metal, Forward, NDFs, Futures at Equity exchange at CFDs.
Nagpapatakbo ang EVFX sa pamamagitan ng paghahatid ng advanced na alok ng software, magkakasabay sa hanay ng mga merkado at malawak na bilang ng mga solusyon na maaaring magamit na may kaugnayan sa pagpapatupad ng mga order at kung saan maaaring maisagawa ang mga trade.
MGA PARANGAL AT PAGKILALA
Walang binaggit sa website ng EVFX kung nakatanggap ito ng anumang mga parangal
MGA ACCOUNT NG EVFX
Ang forex account ay isang trading account na hinahawakan ng trader sa isang kompanya tulad ng EVFX na pangunahing ibinibigay para sa pakikipag-trade ng mga currency.
Kadalasan ang bilang at uri ng mga account na maaaring buksan ng trader sa isang broker na kompanya ay nag-iiba ayon sa bansa kung saan nangangasi ang brokerage, bansang tinitirahan ng trader at ang mga awtorodidad na nagkokontrol sa ilalim ng hurisdiksyon kung saan ito nangangasiwa.
URI NG ACCOUNTS AT ANG TAMPOK NITO
Nag-aalok ang EVFX sa mga trader ng pagpipilian sa pagitan ng tatlong magkakaibang uri ng mga account: Personal, Corporate at Introducer account.
Halos walang anumang impormasyon sa website na nauugnay sa bawat account at maaari mo lamang ma-access ang mga kinakailangang form kung ikaw ay isang rehistradong gumagamit.
Ang kakulangan ng impormasyong nauugnay sa mga account sa website ay maaaring gawing napakahirap para sa trader na makita kung aling account ang mas angkop sa kanilang mga pangangailangan.
Ang maaaring makuha mula sa website ay kung dapat matugunan ng trader ang mga sumusunod na kinakailangan, upang maaari kang maging karapat-dapat bilang isang propesyonal:
- Naisagawa ang mga transaksyon ng makabuluhang sukat (higit sa $ 100k).
- Ang mga transaksyon na halagang natupad sa ilang mga merkado sa average na 10 trades bawat courter sa huling apat na quarters.
- Dapat ang laki ng portfolio ng instrumento sa pananalapi ng trader na may kasamang mga deposito ng cash kasama ang mga instrumento sa pananalapi ay lalampas sa € 500 000.
- Dapat ang trader ay nagtatrabaho, o kung sila ay nagtatrabaho, sa isang sektor ng pananalapi nang hindi bababa sa isang taon at sila ay may hawak na propesyonal na posisyon na may kinakailangang kaalaman sa mga transaksyon at serbisyong inisip.
MGA DEPOSITO AT WITHDRAWAL
Ang EVFX ay hindi nag-aalok ng iba’t ibang mga paraan ng pagbabayad upang makapagdeposito ng mga pondo sa trading account. Ang pagpopondo ng account ay magagawa lamang sa pamamagitan ng Bank Wire kasama ang mga pagbabayad sa Visa o Skrill.
Ang mga pamamaraang ito ay hindi lamang ang pinaka ginagamit ngunit napatunayan na ito ang pinaka-ligtas at maginhawang mga solusyon sa pagbabayad na nagsisilbi sa mga paglilipat ng anumang laki.
Ang EVFX ay walang karagdagang mga singil sa alinman sa mga deposito o pag-withdraw, ngunit palaging makatuwiran na kumunsulta sa payment provider kung sakaling mayroon silang sariling itinakdang bayarin sa mga transaksyon.
GASTOS at MGA BAYARIN, KOMISYON AT SPREAD
Ang halaga pakikipag-trade ay depende sa iba’t ibang mga kadahilanan tulad ng mga komisyon, spread at mga margin.
Ang spread ng isang currency pair ay ang pagkakaiba sa pagitan ng presyo ng pagtawad ng trader at hiniling na presyo. Ang pip ay kumakatawan sa pinakamaliit na pagtaas na maaaring igalaw ng halaga ng palitan. Ang isang pip ay 0.01 para sa mga currency pair na may JPY na term currency at 0.0001 para sa lahat ng iba pang pair.
Ang margin ay ang halaga ng pera na kailangan sa iyong account upang makapagbukas ng posisyon. Ang margin ay kinakalkula base sa kasalukuyang presyo ng base currency laban sa USD, ang sukat (dami) ng posisyon at ang leverage na inilapat sa iyong trading account.
Ang mga komisyon ay ang singil na ipinataw ng isang namumuhunang broker para sa trader sa paggawa ng trade sa ngalan ng trader. Ang antas ng mga komisyon ay mag-iiba sa pagitan ng iba’t ibang mga broker at depende sa asset na nai-trade at sa uri ng serbisyo na iniaalok ng broker.
Ang mga execution-only na broker, o ang broker na hindi sangkot sa anumang personal na payo sa pamumuhunan at nagbibigay sa mga trader ng kumpletong kontrol sa kung paano sila makikipag-trade sa mga merkado, ay may posibilidad na magkaroon ng mas mababang komisyon.
Ang Contract for differences (CFDs) trading, isang popular na porma ng deribatibong pakikipag-trade na nagpaaphintulot sa mga trader na magbakasakali sa pagtaas o pagbaba ng mga presyo sa isang mabilis ang paggalaw na pandaigdigang pinansyal na merkado, sa mga share ay magkakaroon ng komisyon.
Ang mga CFD trade sa ibang merkado ay walang komisyon ngunit nagbabalot ng spread sa palibot ng presyo sa merkado ng isang partikular na instrumento.
Nag-aalok ang EVFX ng masikip na spread kasama ang naaangkop na komisyon, na tinukoy ayon sa bawat instrumento sa marketing.
Gayunpaman, ang mga trader ay may pagpipilian sa pagitan ng isang nakapirming o isang variable spread alinsunod sa diskarte na piniling gamitin ng trading.
Mayroong isang traded na halaga sa CFDs na kung saan ay pinondohan sa pamamagitan ng pagsingil na nangyayari magdamag sa alinman sa isang credit o debit card. Kung ang isang posisyon ay magbubukas at pagkatapos ay isara sa parehong araw ng trading, hindi magkakaroon ng panggabing paggastos na magagamit.
Mayroon ding mga gastos sa financing na tumutukoy sa Mga Index CFD at ang mga rate ng pagpapalit ay kinakalkula ng instrumento, ang rate ng EOD at ang Short at Long.
Kasabay ng magdamag na gastos sa financing upang buksan ang mga posisyon, ang mga pagbabayad na dividend na ginawa ng EVFX ay mai-apply bilang debit o credit (short o long).
Maaaring may mga pagsasaayos na naa-apply sa petsa ng ex-dividend kasama ang mga myembro na bumubuo ng index ng relevance.
Ang minimum na deposito na kinakailangan ng EVFX ay nakadepende sa uri ng account na binuksan ay nakatakda sa $ 500 at kasama rin dito ang mga kundisyon sa trading at serbisyo sa customer ng EVFX.
LEVERAGE
Ang pasilidad na nagbibigay-daan sa trader na makakuha ng mas malaking paglantad sa merkado kumpara sa halaga na kanyang idineposito upang magbukas ng trade, ay tinatawag na leverage. Ang mga leveraged na produkto ay nagpapalaki ng potensyal na kita ng trader – ngunit dinadagdagan rin ang potensyal na pagkalugi.
Ang halaga ng leverage ay ipinapahayag bilang ratio, halimbawa ay 50:1, 100:1, o 500:1. Ipagpalagay na ang trader ay may $1,000 sa kanyang trading account at nakikipag-trade ng ticket sizes na 500,000 USD/JPY, ang leverage nito ay magiging 500:1.
Ang EVFX, sa ilalim ng mga regulasyon ng ESMA, ay karapat-dapat na mag-alok ng isang maximum na leverage ng 1:30, kahit na ang mga propesyonal na trader na nakumpirma ang kanilang katayuan ay maaaring mag-aplay para sa mas mataas na antas.
Tutukuyin ng alok ng account ang mga antas ng leverage at sa kabila, maaaring maging sanhi ito ng pagkakaiba sa mga margin din.
MGA BONUS
Ang mga Forex broker ay nang-aakit ng mga bagong trader gamit ang mga alok ng mga nakaka-agaw pansin na deposit bonus. Ito ay maaaring kapaki-pakinabang, ngunit mahalaga na makilala kung ano nga ba ang maayos na bonus.
Ang mga bonus na ito ay paraan upang bayaran ang mga trader para sa pagpili ng isang partikular na broker, dahil sa sandaling ang account ay mabuksan, ang trader ay magkakaroon ng parehong gastos tulad ng iba.
Ang bonus ay pabuya lamang para sa pagkakapili ng trader (sa broker) na siyang nagbabalik sa trader ng ilan sa mga gastos, sa oras na mapatunayan niya na siya ay isang aktibong trader..
Bukod dito, simula 1 Agosto 2018, ang European Securities and Markets Authority (ESMA) ay naglagay ng mga hakbang upang protektahan ang mga mamumuhuhan sa merkado, distribusyon, o pagbebenta ng mga CFDs sa mga retail na mga kliente.
Pinipigilan nito ang mga broker na direkta o hindi direktang pagbibigay sa retail client ng kabayaran, monetary o excluded non-monetary na benepisyo kaugnay ng marketing, distribusyon o pagbebenta ng CFD, bukod sa mga nalamang kita sa anumang CFD na ibinigay.
Maaring interesado ka rin sa Equiti Pagsusuri
MGA PLATAPORMA SA TRADING, SOFTWARE AT MGA KATANGIAN NITO
Ang forex trading na software na binibigay ng isang broker company sa mga kliyente nito ay tinatawag na plataporma at ginagamit sa pagsasagawa ng mga trade.
Ang plataporma ay maaaring isang multi-asset, na nangangahulugang pinahihintulutan nito ang mga kliyente upang hindi lamang makipag-trade ng forex kundi maging ng ibang klase na asset tulad ng CFDS sa mga stock, stock indeks, mga mamahalagang metal, at cryptocurrency.
Ang desisyon kung aling plataporma ang dapat piliin ay magdedepende sa kung ano ang nais i-trade ng kliyente, kaya ito ay isa rin sa mga pamantayan sa pagpili ng broker.
Ang EVFX ay nagbibigay ng isang malawak na hanay ng mga plataporma ng trading na sentralisado sa isang back office kung saan naiulat ang mga transaksyon sa kabila ng plataporma.
Ang mga plataporma ng trading na inaalok ng EVFX ay nagsisilbi para sa Spot, Forward, Opsyon at Ndfs at sa lahat ng mga ito, ang mga API ay ginawang magagamit.
Nag-aalok ang EVFX ng mga sumusunod na plataporma ng trading:
- Currenex
- FastMatch
- Integral
- FXall
- Digitalvega
- hotspotFX
- solidFX
- FXCMPRO
- FXONE
- API Trading
Gayunpaman, kung gugustuhin ng mga trader na ipagpalit ang Futures at Equities, nag-aalok ang EVFX ng isang hanay ng mga plataporma na partikular na nagsisilbi para dito, tulad ng:
- Fidessa
- Trading Technologies
- CQG
- Bloomberg
- Thomson Reuters, at
- Ice
Nagbibigay din ang broker ng isang voice desk para sa mga trader na nais magkaroon ng isang pagkakataon upang magsagawa ng kanilang trading sa pamamagitan ng Voice Trading. Pagpili ito, ang mga trader ay maaaring magpatupad ng iba’t ibang mga transaksyon na magkakaiba sa parehong makabuluhang laki at mga sensitibo.
Hindi alinman sa mga pasilidad ng Agency at Margin o mga Exotic currencies o options strategies ay likido o suportado sa elektronikong paraan, ngunit sa pamamagitan ng EVFX’s EVE, lahat sila ay magagamit para sa potensyal na benepisyo.
MERKADO, PRODUKTO, AT MGA INSTRUMENTO
Karamihan sa mga broker ay nag-aalok ng lahat o ilan sa mga sumusunod na uri ng mga instrumento sa merkado para sa pakikipag-trade:
Forex:
Ang Forex trading, na tinatawag din na currency o FX trading, ay mayroong currency exchange market kung saan ang mga indibidwal, kompanya at mga pinansyal na institusyon ay nagpapalit ng mga currency para sa isa’t isa sa mga floating rate.
Mga Kalakal:
Tulad ng mga currency exchange market, nag-aalok ang mga merkado ng kalakal ng iba’t ibang mga pagkakataon sa pamumuhunan para sa mga trader. Ang pamumuhunan sa mga nakabatay sa kontratang bilihin ay isang maaasahang paraan upang mabawasan ang panganib sa mga oras ng inflation o kawalan ng katiyakan sa ekonomiya.
Mga Indeks:
Ang equity o mga stock indeks ay aktuwal na indeks sa stock market na sumusukat sa halaga ng isang partikular na seksyon ng isang stock market. Maaari nilang katawanin ang isang partikular na hanay ng mga pinakamalaking kompanya ng isang bansa o maaari nilang katawanin sa isang partikular na stock market.
Ang pakikipag-trade ng ginto at iba pang mahahalagang metal ay kinabibilangan ng mga hard goods na nakabase sa kontratang bilihin.
Enerhiya:
Ang mataas na volatility ng mga presyo ng enerhiya ay dulot ng politikal at mga pangkapaligiran na kadahilanan, suplay at pangangailangan, matinding kondisyon ng panahon at pandaigdigang paglago ng ekonomiya ay isang pangkaraniwang katangian ng produktong ito, na ginagawa itong isa pang popular na pagpipilian ng pakikipag-trade.
Nag-aalok ang EVFX ng trading sa mga sumusunod na instrumento sa merkado:
- Forex
- Mga Bilihin
- FX at Commodity Rollovers
- CFDs
- Indices CFD Financing Cost
SEGURIDAD AT REGULASYON
Ang isa sa mga unang bagay na kailangang itatag ng isang potensyal na trader, ay kung ang isang broker tulad ng EFVX ay ligtas na makipag-trade. Ang isa sa mga pinakasiguradong na benchmark upang sukatin ang seguridad ng isang brokerage ay itatag kung aling mga awtoridad na nagreregulate ang nagbabantay sa mga kilos ito.
Ang EVFX ay kinokontrol at pinahintulutan ng Financial Conduct Authority (FCA), dahil ito ay isang kumpanya na nakabase sa UK. Ang FCA ay isa sa pinakamahigpit at respetadong awtoridad sa buong mundo na nangangasiwa sa mga pampinansyal na kumpanya sa UK.
Ang pagsasagawa at paghahatid ng mga serbisyo ng EVFX ay nakabase sa buong pagsunod sa mga regulasyon at batas na itinakda ng FCA.
Ang EVFX’s Electronic at Voice Exchange Limit (EVE) ay nakarehistro din at pinahintulutan ng FCA.
Ang mga pondo ng kliyente ay inilalagay sa mga hiwalay na account, na nangangahulugang hindi pinapayagan ang EVFX na gumamit ng mga pondo ng kliyente para sa anumang mga layuning pang-pagpapatakbo.
Ayon sa mga patakaran na itinakda ng FCA, dapat mayroong itinatag na kapital na kung saan ay may makabuluhang kasapatan at dapat itong panatilihin palagi.
Bilang karagdagan sa sapat na kapital, ang mga kinakailangang pamantayan sa pagpapatakbo kasama ang pinakamataas na antas ng proteksyon ng mga investor ay dapat na maitatag at mapanatili.
Ito ay nakumpirma ng status sa regulasyon at ang mga kliyente ng EVFX ay sakop din ng FSCS (UK) sa isang kaso na idineklarang walang bayad ang kumpanya.
SUPORTA SA KUSTOMER
Ang mga potensyal na trader ay kinakailangang makatiyak na ang kompanya ng broker na kanilang napili ay nakakapg-alok ng kinakailangang suporta at tulong tuwing kakailanganin nila ito.
Nag-aalok ang EVFX ng suporta sa customer sa pamamagitan ng telepono o email. Mayroon ding isang online form para sa pangkalahatang mga katanungan na maaaring makumpleto. Wala itong live chat function.
PANANALIKSIK
Ang mga potensyal na trader ay hangga’t maari ay dapat palaging gumawa ng mas maraming pananaliksik tungkol sa haka-haka ng trading bago simulang gawin ito.
Ang pakikipagtrade na may kumpiyansa at tagumpay ay umaasa sa kaalaman at pag-unawa sa mga merkado, samakatuwid ang mga pagpipilian sa pagsasaliksik na inaalok ng mga broker ay bumubuo ng isang mahalagang bahagi ng mga tampok nito kapag pumipili ng tamang kumpanya upang makipagtrade.
Ang EVFX ay hindi nagbibigay ng anumang mga tool sa pagsasaliksik sa website upang matulungan ang mga trader na panatilihing napapanahon sa mga paggalaw, spread, live na indikasyon, o anumang iba pang indikasyon ng mga posisyon sa merkado.
Wala ring mga ulat o tool para sa pagtatasa tulad ng isang kalendaryong pang-ekonomiya.
EDUKASYON AT TRAINING
Bago magsimulang makipag-trade, ang mga potensyal na kliyente ng EFVX ay dapat na ihanda ang kanilang sarili sa lahat ng posibleng impormasyon at kakayahan sa trading upang maging matagumpay sa mundo ng forex at pakikipag-trade ng kalakal.
Kung ang website mismo ng EFVX ay hindi nagbibigay ng sapat na paraan, dapat magsiyasat ang trader ng ibang impormatibong website at mga pataan upang makuha ang kaalamang iyon.
Ang EVFX ay hindi nagbibigay ng anumang mga kagamitang pang-edukasyon sa website nito na makakatulong sa mga baguhan na trader na nais malaman ang tungkol sa industriya ng trading.
BUOD
Nagbibigay ang EVFX ng maraming mga instrumento sa trading at mga plataporma na maaaring magsilbi para sa anumang indibidwal na broker.
Ang kakulangan ng mga kagamitan sa pang-edukasyon ay tumuturo sa katotohanan na ang broker na ito ay mas angkop para sa mga propesyonal na trading na nagtataglay ng karanasan, kaalaman at kasanayan.
Ang EVFX ay hindi lamang sumasaklaw sa elektronikong pakikipagtrade kundi pati na rin sa voice trading na nag-aalok sa mga kliyente ng pinakamataas na antas ng seguridad.
Ang mga kliyente na ginusto ang iba’t ibang mga portfolio at estilo ng pamumuhunan ay inaalok din ng maraming mga pagkakataon.
PAGSULYAP SA EVFX |
|
Pangalan ng Broker | EVFX |
Punong Tanggapan | London, UK |
Taon na Naitatag | 2011 |
Awtoridad na Nagkokontrol | FCA |
Tinatanggap ang US Clients | Hindi malinaw |
Islamic Account (Swap Free) | Hindi |
Demo Account | Oo |
Institutional Accounts | Oo |
Managed Accounts | Oo |
Maximum na Leverage | 30:1 |
Minimum na Deposito | $ 500 |
Mga pagpipilian sa pag-deposito | Visa, Skrill, Bank Wire |
Mga pagpipilian sa pag-withdraw | Visa, Skrill, Bank Wire |
Mga Uri ng Plataporma | Currenex, FastMatch, Integral, FXall, Digitalvega, hotspotFX, solidFX, FXCMPRO, FXONE, API Trading, Fidessa, Trading Technologies, CQG, Bloomberg, Thomson Reuters, Ice |
Mga wika ng Plataporma | English |
OS Compatibility | Desktop, Smartphones, Tablets |
Mga wika sa Suporta ng Kustomer | English |
Mga Oras sa Suporta ng Kostumer | 24/5 |
FAQS MGA MADALAS NA KATANUNGA
KAPALIGIRAN SA PAKIKIPAGTRADE
Ilan ang mga instrumento na maaari kong ipagpalit sa EVFX?
Maaari kang makipagtrade sa maraming iba’t ibang mga instrumento sa EVFX, kasama ang sumusunod:
- Forex
- Mga Bilihin
- FX at Commodity Rollovers
- CFDs
- Mga Indeks CFD Financing Cost
Aling mga plataporma ang sinusuportahan ng EVFX?
Nagbibigay ang EVFX ng mga sumusunod na tanyag na plataporma ng trading:
- Currenex
- FastMatch
- Integral
- FXall
- Digitalvega
- hotspotFX
- solidFX
- FXCMPRO
- FXONE
- API Trading
- Fidessa
- Trading Technologies
- CQG
- Bloomberg
- Thomson Reuters, at
- Ice
Nag-aalok ba ang EVFX ng leverage?
Oo.
Ang EVFX sa ilalim ng mga regulasyon ng ESMA ay nag-aalok ng isang maximum na leverage ng 1:30.
Ano ang maasahan ko na mga spread sa EVFX?
Nag-aalok ang EVFX ng ight spread kasama ang naaangkop na komisyon, na natutukoy ayon sa bawat instrumento sa marketing.
Naniningil ba ng komisyon ang EVFX?
Oo, ito ay tinutukoy ayon sa bawat instrumento sa marketing.
Kontolado ba ang EVFX?
Oo, ang EVFX ay kinokontrol ng lubos na ipinalalagay na FCA sa UK.
Ang EVFX ba ay inirerekumenda bilang forex trading broker para sa mga eksperto at baguhan?
Hindi malinaw kung magiging angkop ito para sa mga baguhan na trader dahil hindi ito nag-aalok ng anumang tool sa pang-edukasyon at may mataas na deposito na $ 500, ang mga baguhan na trader ay malamang mas gusto na subukan ang iba pang broker.
Ano ang pangkalahatang grado mula 10 para sa EVFX?
6/10
MGA ACCOUNT
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng demo at live na trading account?
Ang demo account ay isang account na inaalok ng ilang mga plataporma sa trading, na pinopondohan ng virtual na pera.
Pinapayagan nito ang isang potensyal na kliyente na mag-eksperimento sa plataporma sa trading at pamilyar sa iba’t ibang mga tampok nito, bago magpasya na mag-set up ng isang tunay na account.
Ang mga account na ito ay inaalok ng iba’t ibang mga online trading plataporma, kabilang ang stock trading plataporma, foreign exchange venue, at commodities exchange.
Ang mga demo account ay malawak ding ginagamit ng mga mas may karanasan na trader na nais mag-eksperimento sa iba pang mga klase sa pag-aari. Halimbawa, ang isang trader ay maaaring maranasan sa stock trading ngunit nais na simulang mamuhunan sa mga futures, mga bilihin, o currency.
Ang pagbubukas ng isang demo account ay isang mahusay na pagpipilian bago buksan ang isang live na account kung saan nakikipagtrade ka sa totoong pera sa real time.
Nag-aalok ba ang EVFX ng demo account?
Oo,
Maaari ko bang maipalit ang aking demo account sa isang live na trading account sa EVFX?
Hindi malinaw.
Aling mga live na trading account ang inaalok ng EVFX?
- Personal
- Corporate
- Introducer account.
Ano ang mga magagamit na currency sa deposito para sa isang live na trading account?
Hindi malinaw sa website kung aling mga currency ang magagamit upang makipagtrade.
MGA DEPOSITO AT WITHDRAWAL
Ano ang minimum na deposito sa EVFX?
$ 500
Paano ka gagawa ng deposito at pag-withdraw sa EVFX?
Nag-aalok ang EVFX ng sumusunod na tanyag na mga pamamaraan ng pag-deposito at pag-withdraw:
- Visa
- Skrill
- Bank Wire
Sumisingil ba ang EVFX ng bayad sa pag-withdraw?
Hindi: maaaring mai-apply ang mga bayarin mula sa institusyong pampinansyal
Gaano katagal bago makagawa ng pag-withdraw?
Walang impormasyon sa website kung gaano katagal bago mag-withdraw.
PAGTANGGI
Ang EVFX ay naglalathala ng impormasyon sa mabuting pagtiwala at may kawastuhan ng naturang impormasyon sa oras ng paglalathala.
Ang mga trader na may trade ng mga instrumento sa pananalapi ay responsable lamang para sa anumang pagkawala o pinsala. Ang EVFX ay hindi maaaring managot para sa naturang pagkawala o pinsala sa ilalim ng anumang mga pangyayari. Ang trading ay nasasama sa mataas na antas ng mga peligro na maaaring hindi angkop sa lahat ng mga trader.
Kailangang isaalang-alang ng mga trader ang kanilang sitwasyong pampinansyal, mga layunin at kanilang pagpayag na maging handa sa mga panganib bago gumawa ng mga desisyon batay sa mga produkto at impormasyong ibinigay ng EVFX.
Sa pamamagitan ng paggamit ng impormasyon at mga produktong ibinigay ng EVFX upang makagawa ng mga desisyon tungo sa pamumuhunan, ang trader ay nagdadala ng nag-iisang responsibilidad sa anumang pagkalugi na matatamo.
Pinapayagan ang mga trader na humingi ng professional third-party advice anumang oras bago gumawa ng mga nasabing desisyon, ayon sa nagawang pagsasaliksik.
Maaring interesado ka rin sae Toro Pagsusuri