ISANG BUOD NG DUKASCOPY BILANG ISANG FOREX BROKER NA KOMPANYA
PAGPAPAKILALA
Ayon sa aming kamakailang pananaliksik, ang Dukascopy ay isang kompanya na forex broker sa New Zealand.
Ang mga Forex broker ay mga kompanyang nagbibigay sa mga trader ng access sa plataporma na nagpapahintulot sa kanila na bumili at magbenta ng mga foreign currency.
Ang mga Forex broker ay kilala rin bilang mga retail forex broker o mga currency trading broker. Ang mga retail currency na trader ay ginagamit ang mga broker na ito upang magkaroon ng access sa 24-oras na currency market para sa mga hangaring espekulasyon.
Ang mga serbisyo ng forex broker ay ibinibigay rin para sa mga institusyonal na kliyente sa pamamagitan ng malalaking kompanya tulad ng mga bangkong pampuhunan.
🏆 10 Pinakamahusay na Na-rate na Forex Broker
Tagapamagitan
Antas
Mga Tagapag-regula
Mga Plataporma
Pinakama-babang Deposito
Pinaka-mataas na Leverage
Kripto
Opisyal na Website
🥈
4.7/5
ASIC, FSA, CBI, BVI, FSCA, FRSA, CySEC, ISA, JFSA
MT4, MT5, Avatrade Social
USD 100
400:1
Oo
5
4.9/5
CySEC, FSCA, FCA, FSA, DFSA, CMA, St. Vincent & the Grenadine
MT4, MT5, HFM App, HFM Copy Trading
USD 0
2000:1
Oo
7
4.9/5
ASIC, BaFin, CMA, CySEC, DFSA, FCA, SCB
MT4, MT5, cTrader, Tradingview, Pepperstone Platform
USD 10
400:1
Oo
🏆 10 Pinakamahusay na Na-rate na Forex Broker
Tagapa-magitan
Pinakama-babang Deposito
Pinaka-mataas na Leverage
Opisyal na Website
KASAYSAYAN AT PUNONG-TANGGAPAN NG DUKASCOPY
Ang Dukascopy ay isang Swiss online forex at CFD broker na nakabase sa Geneva at isang subsidiary ng Dukascopy Bank SA, na opisyal na nakarehistro bilang isang bangko na may awtoridad sa Swiss Financial Market (FINMA).
Ang Dukascopy brokerage ay itinatag lamang noong 2004 sa Geneva, Switzerland ngunit ang Dukascopy Bank SA ay nagmula pa noong 1990’s at may malawak na interes sa negosyo.
Mula pa noong 2004 ay nag-aalok na ang Dukascopy ng parehong personal retail Forex trading at mga binary options account at ipinagmamalaki ang seguridad ng mga pondo nito, mabilis na pagpapatupad at walang mga pagmamanipula sa presyo.
Mula noong 2006 pinatakbo ng kompanya ang Swiss FX Marketplace, na kung saan ay isang ECN at mula noon ay lumawak ito.
Ang Dukascopy ay may mga tanggapan sa Zurich, Riga, Kiev, Moscow at Hong Kong, at nagtatrabaho ng higit sa 200 katao. Noong 2015 nakuha ng Dukascopy ang Alpari Japan at pinapatakbo ito palabas ng Tokyo bilang Dukascopy Japan Co.
Ang mga subsidiary ay kinokontrol ng mga regulator sa pananalapi sa kani-kanilang mga bansa at ang mga kondisyon sa trading samakatuwid ay nag-iiba depende sa lokal na pamamahala na pag-sign up ng isang trader.
MGA PARANGAL AT PAGKILALA
Sa mundo ng mga kompanya ng forex broker na pinarangalan mula sa mga pinapahalagahan na mga samahan o publication, malaki ang halaga nito para sa reputasyon ng kompanya.
Naipon ng Dukascopy ang mga sumusunod na parangal sa mga taon nito sa negosyo:
- ForexBrokers Best Plataporma and Tools (2018)
- ForexBroker Best Mobile Trading (2018)
- China (Shenzhen) Forex Expo’s Best Forex Bank (2018)
- London Forex Show’s Best Forex ECN/STP Broker (2018)
- IAFT Awards’ Best Provider of Liquidity (2017)
- China (Shenzhen) Forex Expo’s Best Global Professional Trading Plataporma (2016)
MGA ACCOUNT NG DUKASCOPY
Ang forex account ay isang trading account na hinahawakan ng trader sa isang kompanya tulad ng Dukascopy na pangunahing ibinibigay para sa pakikipag-trade ng mga currency.
Kadalasan ang bilang at uri ng mga account na maaaring buksan ng trader sa isang broker na kompanya ay nag-iiba ayon sa bansa kung saan nangangasi ang brokerage, bansang tinitirahan ng trader at ang mga awtorodidad na nagkokontrol sa ilalim ng hurisdiksyon kung saan ito nangangasiwa.
URI NG ACCOUNTS AT ANG TAMPOK NITO
Ang mga uri ng account ni Dukascopy ay nag-iiba ayon sa kung ito ay hawak ng isang indibidwal, dalawang indibidwal (joint account) o isang korporasyon.
Ang magkakaibang mga account sa kalakalan ay may kasamang standard live trading account, demo Forex / CFD account, demo MT4 Forex account, demo Binary account at MCA current account.
Maaaring buksan ng mga traders ang ECN account sa Dukascopy Europe o Dukascopy Bank sa Switzerland.
Bukod sa mga nasasakupang regulasyon ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawang entity na ito ay ang minimum na deposito sa EU entity ay $ 100 lamang habang ang Swiss entity ay nangangailangan ng $ 5 000 maliban sa mga residente ng Switzerland na kung saan ito ay $ 1 000 lamang.
MGA DEPOSIT AT WITHDRAWAL
Ang mga kliyente ng Dukascopy ay maaaring pondohan ang mga bagong account sa malawak na pagpipilian ng mga currency sa pamamagitan ng wire transfer, debit at credit card, Bank Guarantees, Neteller, Skrill at Crypto Currency.
Ang Dukascopy ay hindi naniningil para sa mga papasok na wire transfer ngunit naniningil ng papalabas na bayad sa paglilipat ayon sa cuttency.
Ang mga minimum na halaga ng deposito ay nag-iiba depende sa uri ng account ngunit nagsisimula sa USD 100 (Dukascopy Europe) at mula USD 1 000 (Dukascopy Swiss).
Dahil ang mga deposito ng kliyente na hanggang sa 100,000 CHF ay protektado ng regulasyon ng gobyerno, pinapayagan ng Dukascopy ang mga kliyente na panatilihin ang kanilang deposito sa kanilang sariling bangko kung ito ay higit sa 100 000 USD. Sinisingil ng Dukascopy ang isang taunang bayad na 1.25% upang magamit ang opsyong ito.
Ang mga pagpipilian sa pag-withdraw ay pareho sa mga pagpipilian sa deposito. Ang singil sa transaksyon ay maaaring singilin ng mga kasosyo na bangko na nag-iiba depende sa currency.
GASTOS at MGA BAYARIN, KOMISYON AT SPREAD
Ang halaga pakikipag-trade ay depende sa iba’t ibang mga kadahilanan tulad ng mga komisyon, spread at mga margin.
Ang spread ng isang currency pair ay ang pagkakaiba sa pagitan ng presyo ng pagtawad ng trader at hiniling na presyo. Ang pip ay kumakatawan sa pinakamaliit na pagtaas na maaaring igalaw ng halaga ng palitan. Ang isang pip ay 0.01 para sa mga currency pair na may JPY na term currency at 0.0001 para sa lahat ng iba pang pair.
Ang margin ay ang halaga ng pera na kailangan sa iyong account upang makapagbukas ng posisyon. Ang margin ay kinakalkula base sa kasalukuyang presyo ng base currency laban sa USD, ang sukat (dami) ng posisyon at ang leverage na inilapat sa iyong trading account.
Ang mga komisyon ay ang singil na ipinataw ng isang namumuhunang broker para sa trader sa paggawa ng trade sa ngalan ng trader. Ang antas ng mga komisyon ay mag-iiba sa pagitan ng iba’t ibang mga broker at depende sa asset na nai-trade at sa uri ng serbisyo na iniaalok ng broker.
Ang mga execution-only na broker, o ang broker na hindi sangkot sa anumang personal na payo sa pamumuhunan at nagbibigay sa mga trader ng kumpletong kontrol sa kung paano sila makikipag-trade sa mga merkado, ay may posibilidad na magkaroon ng mas mababang komisyon.
Ang Contract for differences (CFDs) trading, isang popular na porma ng deribatibong pakikipag-trade na nagpaaphintulot sa mga trader na magbakasakali sa pagtaas o pagbaba ng mga presyo sa isang mabilis ang paggalaw na pandaigdigang pinansyal na merkado, sa mga share ay magkakaroon ng komisyon.
Ang mga CFD trade sa ibang merkado ay walang komisyon ngunit nagbabalot ng spread sa palibot ng presyo sa merkado ng isang partikular na instrumento.
Makatwiran ang mga komisyon ng Dukascopy, na nagsisimula sa $ 3.50 bawat 100 000 lot bawat panig para sa pinakamaliit na mga account. Bumababa ang mga komisyon para sa mas malaking sukat ng account o mas mataas na dami ng trading.
Ang mga balanse sa account na mas malaki sa 25 000 USD ay sinisingil ng $ 2.50 bawat lot bawat panig at ang mga balanse sa account na mas malaki sa 50 000 USD ay sinisingil ng $ 1.80 bawat lot bawat panig. Para sa napakalaking mga account na mas malaki sa 10 000 000 USD, ang mga komisyon ay bumaba sa $ 1.00 bawat lot bawat panig.
LEVERAGE
Ang pasilidad na nagbibigay-daan sa trader na makakuha ng mas malaking paglantad sa merkado kumpara sa halaga na kanyang idineposito upang magbukas ng trade, ay tinatawag na leverage. Ang mga leveraged na produkto ay nagpapalaki ng potensyal na kita ng trader – ngunit dinadagdagan rin ang potensyal na pagkalugi.
Ang halaga ng leverage ay ipinapahayag bilang ratio, halimbawa ay 50:1, 100:1, o 500:1. Ipagpalagay na ang trader ay may $1,000 sa kanyang trading account at nakikipag-trade ng mga ticket size na 500,000 USD/JPY, ang leverage nito ay magiging 500:1.
Ayon sa mga obligasyon nito patungo sa mga kinakailangang regulasyon nito, ang pamantayang pinapayagan na antas ng leverage na itinakda ng FINMA para sa Dukascopy ay 1:30 para sa mga instrumento ng Forex.
Ang subsidiary na nakabase sa Latvia ay napapailalim din sa mga regulasyon ng EU, na nakakuha ng cap leverage sa 30: 1, ngunit posible pa rin para sa mga traderng nakabase sa EU na direktang mag-sign up sa tanggapan ng Switzerland, kaya’t napapalampas ang mga paghihigpit na ito.
MGA BONUS
Ang mga Forex broker ay nang-aakit ng mga bagong trader gamit ang mga alok ng mga nakaka-agaw pansin na deposit bonus. Ito ay maaaring kapaki-pakinabang, ngunit mahalaga na makilala kung ano nga ba ang maayos na bonus.
Ang mga bonus na ito ay paraan upang bayaran ang mga trader para sa pagpili ng isang partikular na broker, dahil sa sandaling ang account ay mabuksan, ang trader ay magkakaroon ng parehong gastos tulad ng iba.
Ang bonus ay pabuya lamang para sa pagkakapili ng trader (sa broker) na siyang nagbabalik sa trader ng ilan sa mga gastos, sa oras na mapatunayan niya na siya ay isang aktibong trader..
Bukod dito, simula 1 Agosto 2018, ang European Securities and Markets Authority (ESMA) ay naglagay ng mga hakbang upang protektahan ang mga mamumuhuhan sa merkado, distribusyon, o pagbebenta ng mga CFDs sa mga retail na mga kliente.
Pinipigilan nito ang mga broker na direkta o hindi direktang pagbibigay sa retail client ng kabayaran, monetary o excluded non-monetary na benepisyo kaugnay ng marketing, distribusyon o pagbebenta ng CFD, bukod sa mga nalamang kita sa anumang CFD na ibinigay.
Maaring interesado ka rin sa CM Trading Pagsusuri
MGA PLATAPORMA SA TRADING, SOFTWARE AT MGA KATANGIAN NITO
Ang forex trading na software na binibigay ng isang broker company sa mga kliyente nito ay tinatawag na plataporma at ginagamit sa pagsasagawa ng mga trade.
Ang plataporma ay maaaring isang multi-asset, na nangangahulugang pinahihintulutan nito ang mga kliyente upang hindi lamang makipag-trade ng forex kundi maging ng ibang klase na asset tulad ng CFDS sa mga stock, stock indeks, mga mamahalagang metal, at cryptocurrency.
Ang desisyon kung aling plataporma ang dapat piliin ay magdedepende sa kung ano ang nais i-trade ng kliyente, kaya ito ay isa rin sa mga pamantayan sa pagpili ng broker.
Ang mga plataporma ng trading sa Dukascopy ay nagbibigay ng pag-access sa Swiss Forex Marketplace (SWFX). Sinusuportahan ng magkakaibang mga plataporma ang malawak na hanay ng mga trading orders:
Java Plataporma
Ang plataporma na ito ay dinisenyo para sa manu-manong trading. Ipinapakita nito ang lahat ng kinakailangang impormasyon sa trading nang sabay-sabay, nang hindi kinakailangan ng witching sa pagitan ng windows.
Ang mga trader ay maaaring makinabang mula sa iba’t ibang technical analysis, mga market research tools at instant na komunikasyon sa pangkat ng suporta.
JForex plataporma
Ang plataporma na ito ay inirerekomenda para sa manu-manong at awtomatikong trading at mainam para sa mga trader interesado sa awtomatikong trading at pagbuo at pagsubok ng mga diskarte sa pakikipag-trade.
Nag-aalok din ang kompanya ng plataporma sa web trading na may agarang pag-access sa merkado at mga mobile plataporma para sa mga smartphone.
Ang Web Binary Trader ay ang binary options na plataporma sa trading na may mga katangian na nagpapahintulot sa pakikipag-trade na magagawang ligtas na online sa pamamagitan ng pag-klik sa isang walang limitasyon na bilang ng mga account.
Hindi nagbibigay ang Dukascopy ng direktang pag-access sa plataporma ng Metatrader4 ngunit pinapayagan nila ang pagkakakonekta dito sa pamamagitan ng mga nagbibigay na ikatlong panig.
MERKADO, PRODUKTO, AT MGA INSTRUMENTO
Karamihan sa mga broker ay nag-aalok ng lahat o ilan sa mga sumusunod na uri ng mga instrumento sa merkado para sa pakikipag-trade:
Forex:
Ang Forex trading, na tinatawag din na currency o FX trading, ay mayroong currency exchange market kung saan ang mga indibidwal, kompanya at mga pinansyal na institusyon ay nagpapalit ng mga currency para sa isa’t isa sa mga floating rate.
Mga Kalakal:
Tulad ng mga currency exchange market, nag-aalok ang mga merkado ng kalakal ng iba’t ibang mga pagkakataon sa pamumuhunan para sa mga trader. Ang pamumuhunan sa mga nakabatay sa kontratang bilihin ay isang maaasahang paraan upang mabawasan ang panganib sa mga oras ng inflation o kawalan ng katiyakan sa ekonomiya.
Mga Indeks:
Ang equity o mga stock indeks ay aktuwal na indeks sa stock market na sumusukat sa halaga ng isang partikular na seksyon ng isang stock market. Maaari nilang katawanin ang isang partikular na hanay ng mga pinakamalaking kompanya ng isang bansa o maaari nilang katawanin sa isang partikular na stock market.
Ang pakikipag-trade ng ginto at iba pang mahahalagang metal ay kinabibilangan ng mga hard goods na nakabase sa kontratang bilihin.
Enerhiya:
Ang mataas na volatility ng mga presyo ng enerhiya ay dulot ng politikal at mga pangkapaligiran na kadahilanan, suplay at pangangailangan, matinding kondisyon ng panahon at pandaigdigang paglago ng ekonomiya ay isang pangkaraniwang katangian ng produktong ito, na ginagawa itong isa pang popular na pagpipilian ng pakikipag-trade.
Ang Bitcoin (BTC) ay ang digital currency na may pinakamalaking kapitalisasyon ng merkado at mga antas ng presyo mula nang magsimula ito noong 2008. Sumasakop ito ng 50% ng kabuuang crypto market cap.
Ang Litecoin (LTC) ay katulad ng Bitcoin ngunit naiiba sa scalability. Ang Litecoin ay isa pang popular na altcoin at ang LTCUSD ay tinidor ng Bitcoin (BTCUSD), kinopya mula sa code ng Bitcoin at may ilang mga pagbabago at inilunsad bilang bagong proyekto.
Ang Ripple (RPL) ay popular sa malalaking bangko dahil sa Ripple network, isang pangmakabagong henerasyong real-time gross settlement na sistema. Pinahihintulutan nito ang mga instant cross-border na mga transaksyon ng pondo sa napakababang gastos.
Ang Ethereum (ETH) ay ang pangalawang pinakamalaking cryptocurrency kasunod ng Bitcoin at nagpapahintulot sa mga developer na makagawa ng intelehenteng kontrata sa isang plataporma.
Ang Bitcoin Cash (BCH) ay ginawa ng Bitcoin hard fork noong 2017 bilang isang bagong bersyon ng blockchain na may iba’t ibang mga tuntunin.
Nag-aalok ang Dukascopy ng kabuuang 653 mga instrumento sa trade sa maraming mga merkado na sumasaklaw sa mga trader ng forex at CFD.
Nag-aalok din ang Dukascopy ng cryptocurrency trading sa mga CFD sa mga makabuluhang crypto assets, at ang aktwal na pinagbabatayan (non-CFD) sa sarili nitong inilunsad na cryptocurrency.
Bilang karagdagan sa forex, nag-aalok ang Dukascopy ng trading para sa mga indeks, meta, stock, cryptocurrency at binary options. Nag-aalok sila ng:
- Currency pairs batay sa pangunahing at minor world currencies
- Dalawang crypto pairs batay sa Bitcoin at Ethereum
- 18 Indice CFD batay sa mga basket ng iba’t ibang mga stock na blue-chip at US Dollar Index
- Tatlong Metal CFD batay sa ginto, pilak at tanso
- Apat na Energy CFD batay sa Crude Oil (WTI, Brent), Gas Oil at Natural Gas
- Dalawang Bond CFD batay sa seguridad ng gobyerno ng UK at Aleman, limang soft CFD batay sa Kape, Kakao, Asukal, Cotton, Orange Juice
- 500+ Stock CFDs batay sa shares ng mga kompanya ng US, UK at EU at
- 40+ ETF CFD batay sa mga pondong ipinagtrade ng palitan na naglalaman ng iba’t ibang mga mapagbebentang assets.
SEGURIDAD AT REGULASYON
Ang isa sa mga unang bagay na kailangang itatag ng isang potensyal na trader, ay kung ang isang broker tulad ng Dukascopy ay ligtas na makipag-trade. Ang isa sa mga pinakasiguradong na benchmark upang sukatin ang seguridad ng isang brokerage ay itatag kung aling mga awtoridad na nagreregulate ang nagbabantay sa mga kilos ito.
Ang Dukascopy ay kinokontrol bilang isang bangko at dealer ng seguridad ng Swiss Financial Market Supervisory Authority FINMA at bilang isang bangko na napapailalim din sa mas mahigpit na mga regulasyon kaysa sa mga forex broker sa iba pang mga legal na hurisdiksyon.
Ang kaakibat ni Dukascopy sa Japan ay kinokontrol din ng Financial Services Agency of Japan (JFSA) at ang Dukascopy Europe ay kinokontrol ng Financial and Capital Market Commission (FCMC).
Ang lahat ng mga forex broker sa Switzerland ay kinakailangang lisensyado bilang isang bangko. Pinapanatili ng Dukascopy ang mga reserbang kapital na naaayon sa mga kinakailangang regulasyon ng FINMA at ang mga deposito ng kliyente ay protektado ng gobyerno ng Switzerland, kung sakaling ma-bankrupt.
Ang proteksyon na ito ay umaabot sa lahat ng kliyente ng Dukascopy, hindi alintana kung nakatira sila sa Switzerland at sa mga deposito na hawak sa anumang currency.
Ang pangunahing mga liquidity provider ng Dukascopy ay kasama ang Barclays, Currenex, Deutsche Bank, JP Morgan, Goldman Sachs, Citibank, HSBC Bank, at mga kliyente na lumahok sa ECN ng kompanya na “Swiss FX Marketplace”.
SUPORTA SA KUSTOMER
Ang mga potensyal na trader ay kinakailangang makatiyak na ang kompanya ng broker na kanilang napili ay nakakapg-alok ng kinakailangang suporta at tulong tuwing kakailanganin nila ito.
Nag-aalok ang Dukascopy ng mahusay na serbisyo sa customer na maaaring makontak sa pamamagitan ng email at telepono anim na araw bawat linggo.
Ang suporta sa chat ay magagamit sa oras na may pasok at ang mga international na gumagamit ay maaari ring makipag-ugnayan sa kompanya sa pamamagitan ng Skype sa halip na mga tawag sa telepono.
Ang mga kliyente ay maaaring magsumite ng kahilingan na call back sa pamamagitan ng homepage ng kompanya at makakatanggap ng isang tawag pabalik mula sa departamento ng serbisyo sa customer ng Dukascopy.
PANANALIKSIK
Ang mga potensyal na trader ay hangga’t maari ay dapat palaging gumawa ng mas maraming pananaliksik tungkol sa haka-haka ng trading bago simulang gawin ito.
Ang pakikipag-trade na may kumpiyansa at tagumpay ay mahigpit na nakasalalay sa kaalaman at pag-unawa sa mga merkado, samakatuwid ang mga opsyon sa pananaliksik na iniaalok ng mga broker ay bumubuo ng isang mahalagang parte ng mga katangian nito kapag pipili ng tamang kompanya upang makipagtrade.
Ang sapat na impormasyon sa merkado ay ibinibigay sa mga kliyente ng Dukascopy para sa tumpak na paggawa ng desisyon. Ginagawa ito sa anyo ng na-update na balita sa ekonomiya, tsart, mga trading signal, mga technical indicator at mga calculator ng forex trading.
Kasama rin sa mga kagamitan sa pananaliksik ang streaming ng balita sa merkado mula sa Reuters at MarketPulse, mga market sentiment indicator, isang live na kalendaryong pang-ekonomiya, pagtatasa ng teknikal na pattern at pag-tsart.
EDUKASYON AT TRAINING
Bago magsimulang makipag-trade, ang mga potensyal na kliyente ng Dukascopy ay dapat na ihanda ang kanilang sarili sa lahat ng posibleng impormasyon at kakayahan sa trading upang maging matagumpay sa mundo ng forex at pakikipag-trade ng kalakal.
Kung ang website mismo ng Dukascopy ay hindi nagbibigay ng sapat na paraan, dapat magsiyasat ang trader ng ibang impormatibong website at mga pataan upang makuha ang kaalamang iyon.
Nag-aalok ang Dukascopy ng mga pang-edukasyon na video tutorial na nagpapaliwanag ng iba`t ibang mga aspeto ng plataporma sa trading, ang mga live na webinar ay magagamit sa maraming iba’t ibang mga wika at minsan ay iniaalok ang mga seminar sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang Dukascopy ay mayroong sariling TV channel na may halos 20 iba’t ibang mga istasyon sa maraming mga wika na may mga kagiliw-giliw na programa kabilang ang Market Glance, Building Blocks, Crash Dummy Dollar at marami pa.
BUOD
Ang Dukascopy ay karapat-dapat na subukan ng mga potensyal na trader, alam na nag-aalok ito ng maraming mga katangian na madalas na hindi magagamit sa iba pang mga broker ng Forex o mga binary option.
Makikita ng mga bagong trader ang iba’t ibang magagamit na mga katangian na madaling gamitin habang ang parehong may karanasan at mga baguhang trader ay dapat na walang maging problema sa pagiging pamilyar sa mga ito. Ang lahat ng impormasyon ay magagamit sa maraming iba’t ibang mga wika at pinapayagan ang lahat ng mga uri ng kalakalan, kabilang ang pag-scalping.
Nagpapatakbo ang Dukascopy sa isang mahigpit na kapaligiran sa pagkontrol at mahusay na naitatag, na may mga deposito ng kliyente na protektado ng mga regulasyon ng bangko sa Switzerland.
MGA MADALAS NA KATANUNGAN (FAQ)
KAPALIGIRAN SA PAKIKIPAG-TRADE
Ilang instrumento ang maaari kong i-trade sa Dukascopy?
Maaari kang makipagpalitan ng higit sa 600 iba’t ibang mga instrumento sa Dukascopy, na kasama ang mga sumusunod:
- Mga Currency: (40+)
- Mga Cryptocurrency: (2) Bitcoin, Ethereum
- CFD: (605+) ginto, pilak, Stock Indeks, Bonds, langis, ibang mga kalakal.
Aling mga plataporma ang suportado ng Dukascopy?
Nagbibigay ang Dukascopy ng mga sumusunod na popular na plataporma sa trading:
- MetaTrader4
- JForex Desktop
- JForex Web
- iOS at mga Android platform
Nag-aalok ba ang Dukascopy ng leverage?
Oo, nag-aalok ang Dukascopy ng pinakamataas na leverage ng 1: 200
Anong mga spread ang maaari kong asahan sa Dukascopy?
Nag-alok ang Dukascopy ng average spread ng 0.30 pips sa EUR / USD para sa US trading session sa Q3 2019, na sinamahan ng default na rate ng komisyon na 0.70 pips bawat pag-ikot.
Kung ang mga detalye sa website ay hindi komprehensibo, maraming impormasyon ang maaaring makuha mula sa serbisyo ng suporta sa customer.
Naniningil ba ng komisyon ang Dukascopy?
Depende sa mga serbisyo ng Dukascopy Bank SA na ginamit ng kliyente, maaaring mailapat ang iba’t ibang mga komisyon. Higit pang impormasyon sa mga komisyon ay maaaring makuha mula sa serbisyo ng suporta sa customer.
Kontrolado ba ang Dukascopy?
Oo, ang Dukascopy ay kinokontrol ng Financial Market Supervisory Authority (FINMA), Financial Services Agency ng Japan (JFSA) at ang Dukascopy Europe ay kinokontrol ng Financial and Capital Market Commission (FCMC).
Ang Dukascopy ba ay inirerekumenda bilang forex trading broker para sa mga eksperto at baguhan?
Nag-aalok ang Dukascopy ng isang patas na kapaligiran sa trading para sa mga may karanasan na trader.
Ano ang pangkalahatang grado hanggang 10 para sa Dukascopy?
8/10
MGA ACCOUNT
Ano ang pagkakaiba ng demo at live na trading account?
Ang isang demo account ay inaalok ng mga kompanya ng broker at pinondohan ng virtual na pera na nagbibigay-daan sa prospektibong kostumer na mag-eksperimento sa mga plataporma ng trading ng kompanya at mga katangian nito, bago mag-set up ng tunay na account na pinondohan sa tunay na pera ng mga kustomer.
Nag-aalok ba ang Dukascopy ng demo account?
Oo
Maaari ko bang palitan ng live trading account ang aking demo account sa Dukascopy?
Hindi malinaw mula sa impormasyon sa homepage ng kompanya.
Aling live trading accounts ang iniaalok ng Dukascopy?
- Forex ECN accounts
- CFD trading accounts
Ano ang mga magagamit na deposit currency para sa isang live na trading account?
USD, CHF, EUR, GBP, CAD, JPY, SGD, PLN, AUD, HKD, DKK, MXN, NOK, NZD, RUB, SEK, TRY, ZAR, XAU, CNH, CZK, HUF, ILS, RON
MGA DEPOSITO AT WITHDRAWAL
Ano ang minimum na deposito para sa Dukascopy?
$ 100
Paano ako makakapag-deposito at mag-withdraw sa Dukascopy?
Nag-aalok ang Dukascopy ng sumusunod na mga pamamaraan ng pag-deposito at pag-withdraw:
- Bank Wire
- VISA
- Bank Guarantees
- Maestro
- Neteller
- Crypto Currencies
- Skrill
Ang parehong pamamaraan na ginamit upang pondohan ang isang account ay dapat na palaging ginagamit upang mag-withdraw ng pera at maibabalik lamang sa mga account sa parehong pangalan ng trading account.
Sinisingil ba ng Dukascopy ang mga bayad sa pag-withdraw?
Hindi, ngunit maaaring mai-apply ang mga bayarin mula sa institusyong pampinansyal
Gaano katagal bago makapag-withdraw?
Ang mga pag-withdraw sa pamamagitan ng ilang mga pamamaraan ay maaaring maproseso sa loob ng isang araw ngunit depende sa mga serbisyo sa bangko maaaring tumagal ng maraming araw upang magamit ang pera.
PAGTANGGI
Binalaan ni Dukascopy ang lahat ng mga potensyal na trader na ang Forex at CFDs trading ay palaging nagdadala ng mataas na antas ng panganib at maaaring hindi angkop para sa lahat ng mga namumuhunan.
Bago magpasya ang mga kliyente na ipagpalit ang mga produktong inaalok ng Dukascopy, pinayuhan silang maingat na pag-isipan ang kanilang mga layunin sa pamumuhunan, sitwasyong pampinansyal, mga pangangailangan at antas ng karanasan bago mamuhunan ng pera na hindi nila kayang mawala.
Kapag ginamit ng mga trader ang mga leveraged account ng Dukascopy, dapat panatilihin ang sapat na antas ng margin upang mapanatili ang kanilang mga posisyon, dahil ang pangangalakal ng Forex / CFD at ang Opsyon sa margin ay nagdadala ng mataas na antas ng panganib.
Ang paggamit ng mas mataas kaysa sa kinakailangang pagkilos ay maaaring gumana laban sa isang trader pati na rin para sa kanya. Ito ay laging posible na maaari mong mapanatili ang pagkawala ng ilan o lahat ng iyong paunang pamumuhunan.
Habang ang Dukascopy ay karaniwang gumagawa ng lahat ng mga pagsisikap upang punan ang trade sa hiniling na presyo, ang pakikipag-trade sa linya ay hindi kinakailangang mabawasan ang mga panganib na nauugnay sa currency trading, samakatuwid ang mga panipi at trade ay karaniwang napapailalim sa mga tuntunin at kundisyon ng isang Kasunduan sa Kliyente.
Ang mga potensyal na trader ay dapat munang ihanda ang kanilang sarili sa lahat ng mga panganib na nauugnay sa trading sa margin at humingi ng payo mula sa isang independent financial advisor kung mayroon silang anumang pag-aalinlangan, ipinapakita ang pananaliksik na kamakailang nagawa.
Maaring interesado ka rin sa CMC Markets Pagsusuri